Friday, December 18, 2020

He Was There

    She failed the exam, she started to worry because she knew that her parents will be disappointed, but he whispered, “Don’t worry, I’m here”. She was tease for being a nerd because she studies all day long, removing her potential happiness just to get good grades but he whispered, “Don’t worry, I’m here”. She graduated with high honor, but her family was not happy at all. “You can do better than that”, her world shattered but he whispered, “Don’t worry, I’m here and I appreciate you”.

     I Hope

    "Congratulations”, I greeted them with my sweetest smile to show everyone that I am not affected at all. I mean, it’s been years. Everyone claps their hands as my best friend and her husband kiss in front of everybody. I tried to be happy like a normal supportive best friend but… that’s my man.

Ang Bampira sa Quiapo

     Halik sa noo at matamis na “Paalam!” ang baon ni Vlad habang siya’y papalabas ng kanilang tahanan. Sinuot niya na ang kaniyang sapatos sa labas ng kanilang pintuan at dumaan sa makitid na iskinita. Tinanguan at nginitian niya ang mga nasalubong niyang mga manang na naka-duster, nakaipit ang buhok, nagpapaypay, nagkukuwentuhan at naglalaro ng baraha. Naulinigan niya rin ang ingay ng mga manlalaro sa basketball court habang papasok sa isa pa ulit na iskinita. Sa wakas, nakalabas na rin siya mula sa kanilang lugar at ngayo’y papunta sa kaniyang trabaho. Siya si Vlad, 20-taong gulang at may anak na tatlong taong gulang na babae. Lumaki siya sa Quiapo at inaaamin niyang hindi pangkaraniwan na buhay ang meron siya. Sa edad na pitong taon ay namulat na siya sa kalakaran sa kanilang lugar. Ang dumadaloy na dugo sa kaniyang ama ay alak, samantalang ang dugo ng kaniyang ina ay pinapatakbo ng baraha. Pareho rin silang pabalik-balik sa kulungan sapagkat dugo rin nila ang droga. Dahil dito, lumaki siyang mag-isa sa lansangan at tanging mga kaibigan niya ang kaniyang tanging sandalan.

     Isang araw, niyaya siya ng kaniyang mga kaibigan na maglaro ng bampira-bampira. Ang tanging gagawin lamang nila ay kumuha ng dugo ng ibang tao, ngunit sa halip na dugo ay mga mamamahaling gamit. Pinakitaan siya ng mas nakakatanda niyang kaibigan kung paano ito gagawin. Tatabihan mo lamang ang iyong prey na tila ba’y isa ka rin sa kanila at dahan-dahan mong i-aangat ang iyong kamay – “bukas, sungkit, dakot, hablot, sabay takbo.”. Nasabik si Vlad dahil sa kakaibang instructions ng laro. Hindi nagtagal, naging number one sa larong ito si Vlad at siya na rin ang nagturo sa mga susunod na henerasyon ng bampira.

Seafoods

    Malamig na simoy ng hangin sa dapit-umaga ang sumalubong at humaplos sa balat ni Jerome. Sabit-sabit sa kanyang leeg ang kanyang DSLR camera na regalo niya sa kaniyang sarili mula sa naipon niyang sweldo sa kaniyang unang trabaho. Labis-labis ang kanyang pagpapagod kung kaya’t napagpasiyahan niya naman ngayon na magbakasyon sa isang malayong dalampasigan. Tinatanaw niya ang mga rock formation sa isang distansya at nauulinigan ang mga huni ng seagulls na tila’y nagpapahiwatig ng magandang kapalaran. Kasabay nito ay kumukuha rin siya ng mga random na larawan upang mas mahasa pa ang kaniyang kasanayan sa pagkuha ng litrato. Nililitratuhan niya ang tubig, buhangin, mga bato at shells, sa iba’t ibang anggulo. Nang biglang aksidente niyang makunan ang isang inaanod na katawan sa dalampasigan. Siya’y nagulat at dali-daling nilapitan ang lalakeng basang-basa at tila’y hindi na humihinga. Inilapag niya ang kaniyang tainga sa dibdib nito upang malaman kung mayroon pa siyang pulso.

     “Hay Salamat!”

     Agad-agad niyang inakayan ito papunta sa clinic ng resort na kaniyang tinutuluyan nang biglang mapansin niya na putol ang binti nito.

     Habang nasa clinic, nakaupo at nag-iisip nang malalim si Jerome kung ano ang posibleng nangyari sa binti ng lalake. Naisip niya na maaaring kagat ito ng buwaya, pating, o anuman na matalas ang ngipin na magawang maputol ang binti ng lalake. Napatayo siya ng sabihin ng nurse na maaayos naman ang kalagayan ng lalake. Nagpasalamat siya sa kaniya sapagkat nagawa niyang dalhin agad ang lalake sa clinic dahil kung hindi ay baka sakaling malamig na siyang bangkay ngayon. Pinuntahan niya ang lalake at kinausap. Hindi umiimik ang lalake. Tahimik lang ito at nakaupo at nakatingin sa kawalan.

     Dumating ang gabi at natulog si Jerome sa mahabang upuan na nakadikit sa pader ng clinic. Siya’y mahimbing na natutulog nang tila’y mapansin niya ang kakaibang tunog. Nakakagulat! Nakita niya ang isang kakaibang nilalang na nakapatong sa lalake. Tila’y hinahalikan niya ito at parang bumabaon ang dila. Sumigaw ng malakas si Jerome at tumakas ang kakaibang nilalang na parang walang bahid ng pag-aalala. Bakas sa lalake ang takot at pagkagulat kung kaya’t pinagpabukas niya na lamang ang pagtanong sa lalake kung ano ang talagang nangyari.

    Eros, Europa, at Marami pang Iba

    Katatapos lamang magtalik ng magkasintahan. Sinusuot ng isa ang kanyang kasuotan na tila’y isang piraso ng mahaba na tela na may palamuting binurdahan ng lila at gintong sinulid. Tatlong burdadong bulaklak na napapaligiran ng Fleur-de-lys na disensyo ang nakalatag sa malawak at payak na espasyo ng kanyang kasuotan. Ang isa nama’y sinusuot ang tila kapareho ngunit mas naiiba ang la extension ng kanyang telang sinusuot. Mas payak at mas maikli ito kumpara sa nauna. Sunod na isinuot ng dalawa ang kanilang antipara na madalas nilang gamitin kung sila’y magkasama. Mababakas mo pa sa kanilang labi ang saya na dulot ng kanilang pita at masabik-sabik na pagsasama. At nang biglang may kumatok sa pinto…


Susunod na Buhay

“Happy anniversary pangga!”, sabay halik sa aking pinakamamahal. Ang bilis ng panahon na yung dating pangarap ko lang noon isang simple at napaka galing na si Samantha ay nandito sa harap ko at kasama kong magdiwang ng anibersaryo. Hindi niya alam bukod sa simpleng hapunan na inihanda ko para sa araw na ito ay may isa pa akong surpresang inihanda, dahil ngayong araw din mismo ako mag-aalok ng kasal sa kaniya. “Halika panga magsayaw tayo”, sabay lahad ng aking kamay at kaniya naman itong tinanggap. Habang yakap ang isa’t isa habang sumasayaw ay lumayo at nang bahagya at lumuhod na agad naman ikinagulat niya. “Pangga, handa na akong harapin ang habang buhay na ikaw ang kasama kaya ngayon itatanong ko kung ikaw rin ba? Sam, will you marry me?”. Kitang kita ko ang ligaya sa mata ng aking sinta at tumango siya sabay hinalikan ako pag lagay ko ng singsing sa kaniyang daliri.