1. Ang mga pangunahing tauhan sa akdang Takipsilim sa Dyakarta ay sina Raden
Kaslan, Fatma, at Pak Idjo. Nagsusumigaw sa karangyaan ang pisikil na anyo at
postura ni Raden Kasla. Kayang kaya niya ipangalandakan na ang kanyang
pamumuhay ay marangya sa pamamagitan ng pulang pula niyang Cadillac. Datapwat
sa kabila ng kanyang yaman, hindi makakaila na isa siya sa halimbawa ng
mayayaman na mapagmataas. Ang pagpilit niya kay Pak Idjo na bayaran ang nasira
niyang kotse sa kabila ng kanyang sitwasyon ay nagpapatunay na sarili niya
lamang ang ang kanyang iniisip. Katulad ng kanyang asawa, si Fatma na asawa ni
Raden Kaslan, ay nag-uumapaw rin sa karangyaan. Sa paraan ng kanilang pag-uusap
tungkol sa mga mamahaling bagay lamang, masasabi mong nabubuhay sila sa
kanilang luho. Sa kabilang banda, si Pak Idjo ay isang kutserong na may sakit
ngunit napipilitang magtrabaho dahil sa kagutuman at kanyang pamilya. Salungat
ang estado ng pamumuhay ng mag-asawa kay Pak Idjo kung kaya’t halos magmakaawa
siyang patayin nang makabangga siya ng mamahaling kotse.
2. Ang unang parte ng akda na kung saan binibigyang buhay ang mga tauhan sa pamamagitan ng paglalarawan dito ay ang exposition. Ang pagkakabangga ng kabayo ni Pak Idjo sa pulang pulang Cadillac ni Raden Kaslan ay ang rising action. Ang climax ay ang pagpapakita kung paano mag-usap ang mayamang may-ari ng kotse at ang tsuper. Dito makikita ang intesidad ng problem ana kinakaharap ng mga pangunahing tauhan. Ang realisasyon ni Raden Kaslan na malabong mababayaran ng tsuper ang nasirang sasakyan ay ang simula ng falling action. Panghuli, ang resolution ng akda ay ang pagpapaliban na lamang ni Raden Kaslan sa naging kasalanan ni Pak Idjo.
3. “Pati na rin ang pagkakangiti ni Fatma
kay Raden Kaslan”
“Mula
sa loud speaker sa likod ng bar ng restawran, may maririnig na masiglang musika
sa mga mesa, kumakain ang mga tao, umiinom, nag-uusap, at naghahalakhakan”
“Umorder
ng pagkain si Raden Kaslan at ni hindi muna tumingin sa presyong nakalista sa
menu sa tapat ng pangalan ng mga pagkain at inumin”
No comments:
Post a Comment