Susunod na Buhay
“Happy anniversary pangga!”, sabay halik sa aking pinakamamahal. Ang bilis ng panahon na yung dating pangarap ko lang noon isang simple at napaka galing na si Samantha ay nandito sa harap ko at kasama kong magdiwang ng anibersaryo. Hindi niya alam bukod sa simpleng hapunan na inihanda ko para sa araw na ito ay may isa pa akong surpresang inihanda, dahil ngayong araw din mismo ako mag-aalok ng kasal sa kaniya. “Halika panga magsayaw tayo”, sabay lahad ng aking kamay at kaniya naman itong tinanggap. Habang yakap ang isa’t isa habang sumasayaw ay lumayo at nang bahagya at lumuhod na agad naman ikinagulat niya. “Pangga, handa na akong harapin ang habang buhay na ikaw ang kasama kaya ngayon itatanong ko kung ikaw rin ba? Sam, will you marry me?”. Kitang kita ko ang ligaya sa mata ng aking sinta at tumango siya sabay hinalikan ako pag lagay ko ng singsing sa kaniyang daliri.
Nakakapagod pero sobrang saya planuhin at asikasuhin ang kasal namin. Ilang araw na rin kaming walang tulog at pahinga dahil minamadali namin ang lahat. Minamadali naming ang lahat dahil nalaman naming lahat na matagal nang itinatago ni Sam na mayroong siyang sakit at nagyo’y unti unti nang lumulubha kung kaya’t binigyan na siya ng taning ng kaniyang doktor. Kaya ganoon na lamang ang kagustuhan kong matuloy ang kasal namin. Uppang matupad ko ang aking pangako sa kaniya na ihaharap ko siya sa altar, na papakasalan ko siya.
“Clyden, ikaw ang una kong hahanapin sa susunod na
buhay at doon natin itutuloy ang naudlot nating pagmamahalan”, at dahan dahan
nang pumikit si Sam. Hindi ko napigilan ang emosyon. Halos tinawag ko na lahat
ng mga doctor at nars sa ospital pati lahat ng santo para lang isalba yung
babaeng pinakamamahal ko. “Time of death, December 12, 2020, 3:52am”, nanlamig
ako nang marinig iyon. Hindi ko alam kung paano tatanggapin. Iniwan ako ng
pinakamamahal ko isang araw bago ang pinakahihintay naming araw, ang araw ng
kasal namin. Gusto ko siya makita na suot ang damit pangkasal nang hindi nasa
loob ng kabaong. Gusto ko siya iharap sa altar nang hindi pinaglalamayan.
No comments:
Post a Comment