Eros, Europa, at Marami pang Iba
Katatapos lamang magtalik ng magkasintahan. Sinusuot ng isa ang kanyang kasuotan na tila’y isang piraso ng mahaba na tela na may palamuting binurdahan ng lila at gintong sinulid. Tatlong burdadong bulaklak na napapaligiran ng Fleur-de-lys na disensyo ang nakalatag sa malawak at payak na espasyo ng kanyang kasuotan. Ang isa nama’y sinusuot ang tila kapareho ngunit mas naiiba ang la extension ng kanyang telang sinusuot. Mas payak at mas maikli ito kumpara sa nauna. Sunod na isinuot ng dalawa ang kanilang antipara na madalas nilang gamitin kung sila’y magkasama. Mababakas mo pa sa kanilang labi ang saya na dulot ng kanilang pita at masabik-sabik na pagsasama. At nang biglang may kumatok sa pinto…
“Father Gideon, malapit na pong mag-umpisa
ang misa”
“Ako’y ngayon paparoon din.”
“Saka nga pala Father, hinahanap po si
Ganymede ng kaniyang ina.”
“Ganymede? Sige, hahanapin ko siya bago ko
umpisahan ang misa.”
“Hanap daw po ako ng aking ina, Father.
Ngayon lang po siya dadalo sa isa sa aking mga misang paglilingkuran.”
“Ganoon ba?
Kung gayon tara na at mag-uumpisa na ang misa.”
No comments:
Post a Comment