Friday, December 18, 2020

 Pelikula

“My name is Ashianna Rodriguez but you can call me Yanna”, kaniyang pagpapakilala ngayong unang araw niya sa kolehiyo. “Ms. Yanna, why accounting?”, tanong ng kaniyang propesor at sinagot niya naman ito nang hindi nagsisinungaling “Kasi po gusto ni mama”, at nagtawanan ang kaniyang mga kaklase maliban lamang sa kaniyang katabi na napakaseryoso. Umupo na siya at kinalabit siya ng kaniyang katabi sabay sabing “Ano ba gusto mo”, nagatataka siya at kaniya lamang itong saginagot ng “Huh?”, tapos napatawa ang kaniyang katabi at sabay sabing “Na course kasi”, at doon niya napagtanto ang punto ng kaniyang kaklase kaya napatawa siya at sabay sagot ng “Gusto ko maging writer eh” at inabot ng binata ang kaniyang kamay sabay sabing “Hiro, future director. Tandem tayo sa future ha ikaw writer at ako director. Ano game ka?”.

Naging magkaibigang matalik sina Hiro at Yanna, at masasabi naman talagang masaya siyang kasama ang binata kaya natatakot siya kung tama bang may maramdaman na siya sa kaniyang kaibigan. Hindi na niya kaya pang pigilan ang narararamdaman niya kaya umamin na lamang siya at labis ang kaniyang galak na gaanon din ang nararamdaman ni Hiro para sa kaniya. Niligawan siya ng binata at hindi niya na iyon pinatagal pa. Sobrang saya nila, si Hiro ang kaniyang pahinga sa nakakapagod na mundo. Hindi alam ni Yanna kung paano siya kapag nawala sa buhay niya ang kasintahang si Hiro. Si Hiro ang kahulugan ng tahanan, mundo, at buhay para sa dalaga kung kaya’t siya ang lahat para kay Yanna.

“Love, andami nang nangyari merong masaya at meron ding malungkot pero sa lahat ng iyon ikaw yung naging sandalan ko, ikaw yung kasama ko. Ikaw yung unang naniwalang matutupad mga pangarap ko. Naalala mo nung first year tayo nakakatawa kasi sabi mo magtandem tayo sa future. Ito na ako love, isa na akong writer pero wala na yung katandem kong direktor. Isang taon na magmula nung ika’y Nawala dahil sa aksidente pero ang sakit pa rin, sobrang sobrang miss na miss na kita”, sabay sindi ng kandila sa puntod ng kaniyang pinakamamahal.

No comments:

Post a Comment