Wakas
Sabi nila normal lang,
Na lungkot ay madama
Ngunit tama pa ba?
Palagi na lang ako hindi masaya
Walang araw,
Na wala akong ginawa
Kundi humilata, umiyak at umasa
Mga mata ko nga'y mugtong mugto na.
Araw-araw na lang bang ganito?
Mga senaryong hindi ko
naman gusto
Kasi sa emosyon ko'y lagi akong nagpapatalo
Sana bumalik na dating ako para matapos na ang tulang ‘to.
No comments:
Post a Comment