Friday, December 18, 2020

 Tagumpay ng aking mga Kaagapay

Ang mga salita ay maaaring hindi tugma

At aking ideya’y hindi akma

Ngunit sa aking tula na magagawa

Ang puso ng mga paksa ay matutuwa

Ito ay hindi para sa kasintahan o kaibigan

Datapwat ito ay para sa mga taong bumubuo aking tahanan

Hindi maaari na sa anim na tulang pinapagawa

Ni isa ay hindi kayo ang paksa

Siguro nga hindi na bago sakanila

Na kayo ang gawin kong sentro ng aking likha

Ngunit sa aking pamilya ako’y hindi magsasawa

Dahil kaagapay ko sa pagtanda ang kanilang mga paalala

 

Ang ating simula ay komplikado

Parang ang labong makamit ng ating mga plano

Pinagtatawanan tayo ng mga tao

Sapagkat pera natin ay hindi sapat para makabili ng isang plato

Nangutang kani-kanino

Walang naniwala na tayo ay aasenso

 

Hindi ko inaasahan na ang mararating natin ay malayo

Ipinagmamalaki ko kayo

Hindi dahil sa mayabang ako o kung ano

Ngunit dahil alam ko ang sakripisyo niyo

Ating nakaraan ay hindi itatago

Dahil ang storya niyo ay ang paborito ko

No comments:

Post a Comment